“Ito ay ang bintanang capiz na puno ng parisukat na capiz na kuha ko sa bahay ng aking mga magulang. Dahil sa kantandaan nagkaroon na ito ng butas at makikita sa butas ang kawayan na sumusuporta sa ilib na bubong ng bahay na ito. Ang edad ng “bahay kubo” na ito ay mahigit na 25 taon na at para sa inyong kaalaman, iilan na lang ang mga ganitong bintana sa Pilipinas, lalu na sa aming lugar sa Pampanga.”
{This is a window capiz with lots of square capiz from my parent’s house. Because of old age the window got holes and from the holes you can see the bamboo foundation of the dried grass roof of the house. This “bahay kubo” almost 25 years of age and for your information this kind of window are now rare here in




















by julie, on April 17 2008 @ 4:19 am
Napakagandang bintana, pakiramdam ko’y maaliwalas kapag iyan sa nakabukas.
Magandang araw ng Huwebes sa iyo.
by zamejias, on April 17 2008 @ 6:34 am
Oo, naalala ko rin yong mga bintana sa lugar ng ina ko sa La Union na Capiz shells yong ginamit. Konti na lang yata ang mga bahay na ganyan ang bintana.
by Ambo, on April 17 2008 @ 7:25 am
Naalala ko nung nagbakasyon kami sa pangasinan ng mga kaibigan ko. Isang malayong lugar yun ang akala namin me aswang dun kaya sa butas ng capiz kami nasilip nung maghatinggabi na . kasi kakatakot baka mamaya dami ng aswang nakapaligid hehehehe. Magaling kaibigan! Mabuhay ka!
Ambo
by Pinky, on April 17 2008 @ 9:43 am
Napakaganda naman ng pagkakakuha mo ng inyong bintana. At ang butas ay lalo pang nagpadagdag sa “sining” ng kuha
Happy Huwebes sa iyo!
by abby, on April 17 2008 @ 10:39 am
kahit may butas, maganda pa din! great shot!
by Meeya, on April 17 2008 @ 2:17 pm
ang ganda naman ng litrato. pinoy na pinoy talaga ang dating dahil sa mga capiz.
ganyan din dati ang bintana namin sa probinsiya kaya lang nang matabunan ng abo ng pinatubo yung bahay namin, hindi na nila naisalba, sayang. eniwey, maligayang huwebes eds!
MyMemes: LP Parisukat
MyFinds: LP Parisukat
by Thesserie, on April 17 2008 @ 2:26 pm
Ang gandang bintana! sana naman makaranas akong dumungaw o mag day-dream sa ganyang bintana
tama si Bb. Pinky, ang butas ay nagpadagdag ng ganda sa larawan na ito. 25 taon, wow!!
hanggang sa susunod na Huwebes!
by Clicking Away, on April 17 2008 @ 2:53 pm
Magandang bintana ito- may character. Gusto ko rin yung butas sa bintana. Nakakatuwa at kita pa yung isang tubo.
by Clicking Away, on April 17 2008 @ 2:57 pm
Ang ganda ng bintanang ito - may character. Gusto ko rin yung butas sa bintana - nakakatuwa at kita rin yung isang tubo.
by alpha, on April 17 2008 @ 3:02 pm
ang daming parisukat nito eds hehe
by Dragon Lady, on April 17 2008 @ 5:52 pm
kakaunti na nga lamang ang may capiz na bintana, mabuti naman at ‘intact’ pa rin ito sa bahay nang iyong mga magulang. saan kayo sa pampanga? ang aking ina ay mula sa magalang, pampanga kaya medyo ‘biasa acung mag-capampangan, cabalen.’
maaari mo ring bisitahin ang aking mga lahok. mabuhay ang LP!
by lino, on April 17 2008 @ 10:03 pm
uy capiz na bintana, bihira na nga ang may ganyan dito… magandang biyernes…
by ris, on April 17 2008 @ 11:44 pm
ganda ng kuha mo eds!
sa bahay din ng lola ko dati, ganyan ang mga bintana. kaso lang mahirap na dahil nasisira na sila so kailangan din palitan.
by lidie, on April 18 2008 @ 12:09 am
ang ganda naman ng iyong parisukat! naalala ko rin ang capiz na bintana ng kubo namin sa pampanga nung bata pa ako!
magandang araw sa’yo!
by emoterang nurse, on April 18 2008 @ 5:33 am
capiz…maganda ang napili mong kuhanan…
naalal ko tuloy ang bahay namin dati mga capiz ang bintana nun eh…
magandang araw…:)
by nona, on April 18 2008 @ 5:41 am
wow ang daming parisukat diyan…nice pic eds.
by kaje, on April 18 2008 @ 9:16 am
bigla ko namiss yung dati naming bahay, nung simple pa ang buhay. sana nagawang i-preserve ng magulang ko yun…hay
by haze, on April 18 2008 @ 10:58 am
maganda ang likha mo. naalala ko ang lumang bahay namin ganyan ang mga bintana namin. sana naisalba ito ngunit ang laki na ng nasira dahil sa tagal nang panahong nagalaga sa amin. 1926 ba naman eh!
by Grey, on April 18 2008 @ 1:06 pm
napaka-presko ng mga ganyang bintana! ang ganda ng kuha mo sa litrato, namiss ko tuloy ang buhay sa probinsiya.
hanggang sa susunod na huwebes!
by sasha, on April 18 2008 @ 2:14 pm
Hi Eds! Ang ganda naman ng bintanang yan! Ako man bintana ang entry ko. Ang cool tignan ng capiz na bintana. Except kapag gabi at gumana na ang aking imagination hehehe
by g, on April 18 2008 @ 8:57 pm
Capiz shells hindi ba? tamang tama para sa tema! Hanggang sa susunod!
by Buge, on April 19 2008 @ 11:31 am
Napakagandang bintana! Pinoy na pinoy ang dating at bagay na bagay sa Litratong Pinoy!
http://www.bu-ge.com/2008/04/litratong-pinoy-apat-na-kanto.html
by sha, on April 19 2008 @ 12:00 pm
this makes me homesick… transports me back to what philippines i have in mind….
thanks for passing by mine… happy weekend
by christine, on April 19 2008 @ 2:39 pm
ang daming parisukat!
magandang weekend!
My Cyber-Life
Only The Good Stuff
by yvelle, on April 19 2008 @ 5:02 pm
hi! sis.. naalala ko tuloy ang aming lumang bahay, ganyan din kasi mga bintana.. hay… senti! by the way, nice shot!
by Lizeth, on April 21 2008 @ 11:46 pm
naisip kong kuhanan ang capiz na binatana sa luma naming bahay ngunit sigurado ako na hindi lalabas na ganito kaganda